Hanggang Kailan Nalang Kaya

Minsan ba naisip natin kung ano ang kahihinatnan ng mundo?

Kung ano ang pwedeng mangyari sa mga tao rito?

Kung matagal pa ba tayong mananatili at mamumuhay,

O kagaya ng ibang nilalang na mawawala at mababaon nalang sa hukay?

Maraming taon na rin tayong naninirahan

Dito sa lugar na lagi nalang nating pinapabayaan

Dahil sa atin ay nalinang at umunlad ang ating bansa

Ngunit dahil din sa atin ay unti-unting nawawasak at nasisira

 

Paggawaan dito paggawaan doon

Mga kotse, pabrika’t planta na nagpapalabas ng karbon

Hindi pa tayo nakuntento’t nagawa pang sa puno ay pumutol

At ang kalikasan ay inabuso at nilipol

 

Ang pag-init ng mundo ay hindi niyo ba nararamdaman?

Ang mga pagbabago-bago ng klima ay hindi niyo ba namamatyagan?

Ang mga ito ay mga likas na kaganapan

Ngunit ng dahil sa tao’y napabilis ang posibleng kapinsalaan

 

Alam kong darating ang araw na ang sangkatauhan ay sisingilin

At sa mga mapinsalang kalamidad ng kalikasan ay tiyak na patitikmin

Alam naman natin ang mga maaaring solusyon diba?

Ngunit bakit parang binabalewala nalang natin sa twina

 

Siguro nga oras na upang imulat ang ating mga mata

Sa katotohanang ang ating daigdig ay namamatay na

Ang mundong ating nilakihan ay matitirhan pa ba

Ng ating mga anak at ng mga susunod pa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s